Cutting through their web of lies
February 24th, 2012 § Leave a Comment
Who will you vote for, why, and for whom will you be voting?
This is the question at the core of the University Student Council (USC) Elections. It is the reason why candidates and political parties go from room to room, dorm to dorm, student to student, laying out their rack record, ideas, and plans. In UP, we expect the USC election campaign to be of honor and integrity–unlike our counterparts in the national political scene, who have mastered the art of “traditional politics,” we will not lie, cheat, steal, or bribe our way into office. Indeed, the very idea is unthinkable.
Or at least we thought so. Over the past few days, however, UP Diliman has been inundated with classic trapo strategies, which must be exposed and condemned.
angAS! July 2011: Rights Defiled
July 13th, 2011 § Leave a Comment
Tip: Click here to make this issue directly viewable on your Facebook profile!
STATEMENT: Student Strike sa Nob. 25-26 at Dis. 1, 2010
January 18th, 2011 § Leave a Comment
Ang Unibersidad ng Pilipinas bilang PAMANTASAN NG BAYAN ay nagluluwal ng pinaka-matatalas, mahuhusay at makabayang mga iskolar at artista. Ito ang inaasahan ng sambayanan at malugod na tinutugunan ng mga iskolar ng bayan–noon.
Subalit ngayon, tila nakapagdadalawang isip humarap sa masang pilipino at sabihing kami ang mga iskolar ng bayan, ang mga tagapagtaguyod ng inyong mga interes bilang mga tagapakinabang ng buwis na inyong pinagpapawisan. Nakakapaniklop tuhod sabihing ni minsan ay hindi kami lumiban sa klase… ni minsan ay hindi kami lumiban sa klase upang magsalita at tumindig para sa sa ating mga lehitimong karapatan… dahil kami ay puspos ng takot, maaaring dahil hindi namin alam ang nagaganap o dahil wala kaming pakiaalam.
Bilang mga artista, nakakatwang isiping humaling na humaling naman tayo sa pagpapakita ng nagsusumidhi nating damdamin hinggil sa pag-ibig at sekswalidad gayong napakalaki ng pangangailang umalingawngaw ang nanlalamlam na tinig ng sambayan sa ating mga likhang sining. Ganito tayo pinakikitid ng sistema at kulturang popular na sa esensya ay laganap hindi dahil sa makisig nitong porma o nilalaman. Ito ay dahil sa napakahusay at sistematiko nitong komodipikasyon na may diin sa matinding pagpapahalaga sa sarili, kompetisyon at pakikipagsabayan sa merkado. Ganito na tayo hininubog ng sistema, ganito tayo hinuhubog ng pamantasan sa kasalukuyan. At palalalain pa ito ng sunod-sunod na pagmaniobra ng mga nasa kapangyarihan tulad ng ginagawa ngayon ni presidente Noynoy. Bago pa man magtapos ang nakaraang semestre, maigting na ang isyu hinggil sa pinakamalaking kaltas sa badyet na dadanasin ng UP sa buong kasaysayan nito. Ang 1.39B ay hindi kakarampot, ito ay napakalaking dagok sa pampublikong karakter ng ating pamantasan. Ang ganitong kaganapan ay bunsod ng neoliberal na globalisasyon. Sa sistemang ito, tinatalikuran na ng gobyerno ang kanyang responsibilidad sa pagbibigay ng sapat na badyet sa mga eskwelahan at binibigyang laya ang mga private entities na pasukin ang mga pampulikong unibersidad para mamuhunan at kalaunan ay kumita sa mga ito. Itinutulak nito ang tuluyang pribatisasyon ng edukasyon na tumatagos sa lahat ng aspeto maging sa ating sariling pagtingin sa sining na limitado na rin sa balangkas ng pandaigdigang pamantayan at negosyo. Kung kaya’t hindi na tinataguyod ang pagkuha ng mga kursong nag-aaral sa kasaysayan, lipunan at kultura dahil hindi ito sumasagot sa pangangailangan ng merkado. Hindi na ito prayoridad dahil hindi ito maaaring pagkakakitaan.
Kung gayon, malinaw na itinatakda ng kalagayan ang hamon sa ating henerasyon bilang mga iskolar ng bayan ang pagkakaroon ng matalas na pagsusuri at paninidigan. Napatunayan naman ng kasaysayan ang kahalagahan ng papel natin bilang mga artista upang manindigan at iguhit ang pinakamatuwid na linya gamit ang ating mga pluma at pinsel na tutulay hanggang sa labas ng ating mga silid aralan upang makilahok sa kolektibong paglaban sa pribatisasyon ng pamantasan at ng sining.
Umambag at makisangkot. Responsibilidad natin ito bilang mga iskolar ng bayan. At bilang mga artista ng bayan.
Isulong ang Pambansa, Siyentipiko at Makamasang edukasyon at kultura!
Tutulan ang 1.39B budget cut sa UP!
Manindigan at lumahok sa multi-sektoral na Strike ng pamantasan!
Ipaglaban ang UP bilang PAMANTASAN NG BAYAN!
Iaalay ang sining sa sambayanan!
angAS! July 2009: Uno, Dos, Tres… Aklas!
January 12th, 2011 § Leave a Comment
Tip: Click here to make this issue directly viewable on your Facebook profile!
angAS! June 2009: Freshie Edition
January 12th, 2011 § Leave a Comment
Tip: Click here to make this issue directly viewable on your Facebook profile!
angAS! March 2009: Beyond Green
January 12th, 2011 § Leave a Comment
Tip: Click here to make this issue directly viewable on your Facebook profile!
angAS! January 2009: State Abandonment
January 12th, 2011 § Leave a Comment
Tip: Click here to make this issue directly viewable on your Facebook profile!