VFA Blues [music]
January 15th, 2011 § Leave a Comment
Tip: Use the </> button in the audio player to share the song on Facebook and other social networks.
Titik at musika nila B. Alejo at S. Candao
Dagdag na titik halaw sa NIChood (1999)
Disisais, Setyembre 1991 (mil-nwebe-syentos, nubenta y uno)
– binasura ng Senado
Ang US Military Bases Agreement
Nagwaging muli ang mamamayang nag-aalsa
Laban sa pakikialam ni Uncle Sam
Apatnapung taong namalagi
Pahirap sa taong bayan
Prostitusyon, pedophilia, pang-aabuso
pagkasira ng kapaligiran
No, no, no, no, nukleyar!
No, no, no, no, nukleyar!
No, nukleyar!
koro 1
Ito ba ang katuparan ng daang taon
Kayraming salimuot, kayraming mga tanong
Lumang tugtugin, bagong pangalan
Ngunit pareho lang ang nilalaman
Noon ay ACSA at naging SOFA
At ngayon ay VFA na sya
Say no, no way to VFA!
No, no way!
No, no way to VFA!
koro 1
Duty free, toll free, tax free and No ID
Pero entry lang nang entry
Pumatay man sila ng kapwa ko Pilipino
Walang kaso, walang kaso
Basta’t Amerikanong sundalo
Loko-lokong si GI Joe
Modernization daw ng AFP
Makakakuha raw ng high technology
At porma raw ng diplomatic courtesy
Pero sa mismong agreement
Walang sinasabi
Don’t you agree, coz I don’t agree
Don’t you agree
Don’t you agree,coz I don’t agree
koro 1
Pinapula ang lansangan ng libu-libong nag-aalsa
Magbubukid sa nayon, at manggagawa sa pabrika
O kabataan, propesyunal, kababaihan, maralita
Misyong iniukit sa kasaysayan ngayo’y itutuloy
koro 2
Narito ang katuparan ng daang taon
Wala nang alinlangan ngayon na ang panahon
Wala nang alinlangan ngayon na ang panahon
Para sabihing
No no way, no no way to VFA
No no way, no no way to VFA
Nang makamtan ang tunay na kasarinlan
Nang makamtan ang tunay na kalayaan
Pasensya [music]
January 15th, 2011 § Leave a Comment
Tip: Use the </> button in the audio player to share the song on Facebook and other social networks.
Titik at musika nila E. Acosta at B. Alejo
Mahal meron akong dala-dalang balita
Isang medyo mabuti, isang tiyak na masama
Ang mabuting balita, natanggap ko na ang aking sweldo
Ang balitang masama, huling sweldo ko na ‘to
Walang pasabi-sabi ako ay sinesante
Higit sa panlilibak, ako ay sinibak
Pasensya na lang, pasensya na lang
Talagang ganyan, ganyan talaga ang buhay
Mahal wag mabigla sa aking sasabihin
Kelangan na yatang mag-alsa-balutan ngayon din
Umagang-umaga, si Captain bukas darating
Sa buldoser sasakay, handa tayong gibain
Walang kaawa-awa, di na yata magsasawa
Saan ba pupusisyon dito sa demolisyon
Pasensya na lang, pasensya na lang
Talagang ganyan, ganyan talaga ang buhay
Pero teka, teka muna, ganito na lang ba
Baka naman dahil na rin sa ating pasensya
Paano na kaya kung ito ay ubos na
Ganito pa rin ba, anong ating pasya
Walang pa-pasensya, kailangan ng hustisya
Sinimulan nila, ay pwes tapusin na rin sila
Pasensya na lang, pasensya na lang
Talagang ganyan, lalaban para mabuhay
ikatlong saknong
Paalam [music]
January 15th, 2011 § Leave a Comment
Tip: Use the </> button in the audio player to share the song on Facebook and other social networks.
Titik at musika ni E. Acosta (1998)
Ang paalam ko’y iyong tanggapin
Paglisan ko’y iyong salubungin
May pag-asang mga puso’y muling mag-aawitan
Pagdating ng panahong ika’y handa nang mag-alay
Doon, doon sa parang
Doon sa kabundukan
Doo’y higit na namamalas ang lakas
Ng ating hanay
Doo’y pinapanday nang masikhay
Walang humpay
koro 1
Ano pa bang makahihigit
Sa kadakilaan ng pag-ibig natin sa bayan
Bayang ang tanging nais
Ang kalayaan ay makamit
Sa pagtulak sa aking paglalakbay
Iabot mo ang iyong mga kamay
Mga kamay na balang araw
Ay muli kong tatanganan
Sa gitna ng pagsagupa
Sa bigwas ng kaaway
Kamay na kayang panghawakan
Ang talim ng paninindigan
Hanggang sa sandaling kailangang
Muli tayong magkahiwalay
Hangga’t digma’y may saysay
Hangga’t dugo’y may kulay
Hanggang tagumpay
koro 1
koro 2
Ano pa bang makahihigit
Sa kadalisayan ng pag-ibig natin sa bayan
Bayang ang tanging nais
Ang kaapihan ay mapatid
Wala na nga wala
NIChood (male solo version) [music]
January 15th, 2011 § Leave a Comment
Tip: Use the </> button in the audio player to share the song on Facebook and other social networks.
Halaw sa tula ni R. Gappi,
Dagdag na titik at musika ni R. Reyes (1996)
Nakadagan ang mga pudpod na gulong
Sa kinakalawang na bubong
Pinatatag naman ng sinulsing tabla
Ang mga nakatindig na haligi at dingding
Dito nagpapahinga ang mga alipin ng mundo
Mga kamay nagsusumamo sa kalansing ng konting limos
koro 1
Ito ba ang katuparan ng mga pangako ng daang taon
Kayraming salimuot
Kayraming mga tanong
Pumupunit ng ilong ang hanging mula sa pabrika
Habang binabalabal ng barongbarong
Ang itim na kumot ng usok karbon
Sinasakal ng langis at di natutunaw na plastik
Ang hiningang dumadaloy sa tubig
Nakabantayog naman ang kalansay ng tinatayong gusali
Na wari’y nag-aanyaya’t nakangiti
koro 1
huling dalawang taludtud ng koro 1
Pinapula ang lansangan ng libu-libong nag-aalsa
Magbubukid sa nayon, manggagawa sa pabrika
Kabataan, propesyunal, kababaihan, maralita
Misyong iniukit sa kasaysayan ngayo’y itutuloy
koro 2
Narito ang katuparan ng mga pangako ng daang taon
Wala nang alinlangan
Ngayon na ang panahon
Nang makamtan ang tunay na kalayaan
Kailangan nating ituloy
Ang di natapos na digmaan
Nang makamtan ang tunay na kalayaan
Nang makamtan ang tunay na kalayaan
Ang kalayaan
NIChood [music]
January 15th, 2011 § Leave a Comment
Tip: Use the </> button in the audio player to share the song on Facebook and other social networks.
Halaw sa tula ni R. Gappi,
Dagdag na titik at musika ni R. Reyes (1996)
Nakadagan ang mga pudpod na gulong
Sa kinakalawang na bubong
Pinatatag naman ng sinulsing tabla
Ang mga nakatindig na haligi at dingding
Dito nagpapahinga ang mga alipin ng mundo
Mga kamay nagsusumamo sa kalansing ng konting limos
koro 1
Ito ba ang katuparan
Ang katuparan ng mga pangako ng daang taon
Kayraming salimuot
Kayraming mga tanong
Pumupunit ng ilong ang hanging mula sa pabrika
Habang binabalabal ng barongbarong
Ang itim na kumot ng usok karbon
Sinasakal ng langis at di natutunaw na plastik
Ang hiningang dumadaloy sa tubig
Nakabantayog naman ang kalansay ng tinatayong gusali
Na wari’y nag-aanyaya’t nakangiti
“On this site will rise the most luxurious
condominium. Please ask for your reservation.”
koro 1
huling dalawan taludtud ng koro 1
Pinapula ang lansangan ng libu-libong nag-aalsa
Magbubukid sa nayon, manggagawa sa pabrika
Kabataan, propesyunal, kababaihan, maralita
Misyong iniukit sa kasaysayan ngayo’y itutuloy
koro 2
Narito ang katuparan
Ang katuparan ng mga pangako ng daang taon
Wala nang alinlangan
Ngayon na ang panahon
Nang makamtan ang tunay na kalayaan
Kailangan nating ituloy
Ang di natapos na digmaan
Nang makamtan ang tunay na kalayaan
Ang kalayaan
Manindigan [music]
January 15th, 2011 § Leave a Comment
Tip: Use the </> button in the audio player to share the song on Facebook and other social networks.
Titik at musika nila E. Acosta at B. Alejo (1995)
Batid kong sa kaloob-looban mo’y may paghihimagsik
Ika’y di naman bulag sa mga salot na inihahasik
Ng mga imperyalistang dayuhan
At kanilang mga tuta sa ating pamahalaan
Ngunit ikaw kung minsan ay nagbubulagbulagan
Oh-oh
At batid kong sa lalim ng isipan mo’y may pagtutungalian
Ika’y di naman bingi sa mga hinaing ng sambayanan
Laban sa gahamang kapitalista
At sa mga despotikong panginoong maylupa
Ngunit ikaw kung minsan ay nagbibingibingihan
Oh-oh
Ang paghihimagsik ay di ngitngit na kinikimkim
May tunggalian sa uri na di simpleng palaisipan
Sa mata ng kahirapa’y tumitig ng taimtim
Masang api’y dinggin
At kasama nila ika’y manindigan
Oh manindigan
Batid kong sa kaloob-looban mo’y may paghihimagsik
Ika’y di naman bulag sa mga salot na inihahasik
Ng mga imperyalista, ng mga tuta nila
Ng mga kapitalista’t panginoong maylupa
Oh-oh
Ngunit ikaw kung minsan ay nagbubulag-bulagan
Ngunit ikaw kung minsan ay nagbibingi-bingihan
Nagbubulag-bulagan, nagbibingi-bingihan
Nagbubulag-bulagan, nagbibingi-bingihan
Ika’y manindigan
Magsasama, Magkasama [music]
January 15th, 2011 § 3 Comments
Tip: Use the </> button in the audio player to share the song on Facebook and other social networks.
Titik at musika ni E. Acosta (2000)
Bawat damdaming lipos ay bigkisin
Lahat ito sa unos ay bigkasin
Tatanggaling lubos ang alinlangan
Tatanghaling unos ang kailangan
Sasama ako, kasama ako
koro
Magsasama, magkasama sa malaon at madali
Yayakapin ang aral ng pakikitunggali
Yayakagin ang lahat na huwag mag-atubili
Magsasama, magkasama sana hanggang huli
Animo’y bundok itong ating ibubuwal
Anino’t tanglaw sabay nating iluluwal
Tatawirin hagdan ng bahaghari
Tutuwirin hanggang wala nang uri
Sasama ako, kasama ako
koro
Suyuin ang musa ng kasaysayan
Suungin ang dusa na kasabayan
Maglalayag tula’t mga talata
Maghahayag pulang mga panata
Sasama ako, kasama ako
koro, dalawang ulit
Sana hanggang huli
Sana hanggang huli
Kumilos Na [music]
January 15th, 2011 § Leave a Comment
Tip: Use the </> button in the audio player to share the song on Facebook and other social networks.
Komersyalisasyon [music]
January 15th, 2011 § Leave a Comment
Tip: Use the </> button in the audio player to share the song on Facebook and other social networks.
Titik at musika nila Babes Alejo at Lenlen (1996)
Hindi ko akalaing totoo pala ang isyu ng komersyalisasyon
Plano pa lamang daw ngunit ginagawan na ng aksyon
Hayan at nagtaasan bayarin sa laboratoryo
Pati ang mga serbisyo doon sa dormitoryo
Maliit ang budget ng gobyerno para sa edukasyon
Pambayad utang muna raw at militarisasyon
Kaya’t tayo na naman ang pahihirapan nito
Bakit ang gobyerno’y umaayon sa programang ganito
koro
Hindi inilalako ang edukasyon
Kaya’t tutulan ang komersyalisasyon
Oh tutulan ang komersyalisasyon
Oh
Isko ng Bayan bakit sobrang dami nang binabayaran
(mga hindi naman kailangan)
Pangakong libreng pasilidad ngayon ay nasaan
Magkamal ng kita ang interes ng administrasyon
Kaya’t parang gulay na inilalako itong edukasyon
koro
Ito’y hindi hiwalay na isyu ng pamantasan
Bunga lamang ito ng matinding krisis ng lipunan
Di naman tayo mananahimik sa ganitong kaayusan
Pinatunayan ng kasaysayan, lumalaban ang sambayanan
koro
unang dalawang linya ng koro
koro
Kolektib [music]
January 15th, 2011 § Leave a Comment
Tip: Use the </> button in the audio player to share the song on Facebook and other social networks.
Ang pagka-late sa kitaan
Mga sunduan sa tagpuan
Sa pamasahe nagpapatakan
Nagchi-chip in sa tsibugan
Pati yosi parte-parte
Para okey, okey ang lahat
Mga gabing puyatan/
Naalala mo pa ba
Sa pagkutkot ng ideya
Pati lamok nakikibaka
Sumasabay sa’ting agenda
Isang tasang kape
At pag-unawang gising ang mga kasama
koro
Di miminsang nagtalo
Ang isip at damdamin
Paano nga ba malilimutan
Mga bagay na nakasanayan na
Sa mendiola matatanaw kita/
Sa rotunda matatanaw kita/
Sa kanayunan kasa-kasama ka
Pumutok ang kampanya
Agitated ang mga kasama
Sinabayan pa ng kanta
May candle lighting pa
Nag-boykot ang mga estudyante
Pasensya na at ganun lang ang kinaya
ikalawang saknong
koro
Mga problemang dumating
Ay huwag sarilinin
Mga suliranining dumating
Ay huwag nilay-nilayin
Kolektib mo kami
Kahit na, kahit na anong mangyari
koro
Sa kanayunan, tangan ang sandata